7 na Patok na Negosyo na Malaki ang Kita Ngayong 2023

Sa dami ng nagbago ngayong 2020, maraming mga Pilipino ang naghahanap ngayon ng iba’t-ibang bagong pagkakakitaan, tulad ng pagtatayo ng kanilang sariling business. Iba talaga ang pakiramdam na maging sarili mong boss at gumalaw sa sarili mong schedule. Mas marami kang oras para sa iyong pamilya, at wala na ring commute o traffic na dapat pagtiisan araw-araw. Saan ka pa? 

You may also want to read: 14 Online Business Ideas in the Philippines You Can Start in 2021

Kung ikaw ay nag-iisip kung ano ang mga small-scale business na kayang kaya ninyong pasukin ngayong 2020, heto ang aming 7 na recommended na business ideas na patok ngayong taon. Hindi kailangan ng napakalaking kapital para magsimula sa mga business na’to, mapa-dropshipping man o rental service.

Online Selling

Una sa lista ay ang online selling, isa sa mga pinakamadaling pasukin na business ngayong quarantine dahil sa dami ng mga pwede ninyong ibenta at pagkakitaan. Kung mayroon na kayong tinitinda sa simula, madali lang ito ibenta online para makahikayat ng mas maraming customer. Ilan sa mga sikat ibenta ngayon ay mga ulam at iba pang pagkain, mga cactus at indoor plants, mga home-made accessories, o kaya online ukay-ukay.

Pwede niyo ring subukan ang buy-and-sell type ng online selling. Ito ang pagbili ng mga paninda nang naka-wholesale at mas mura para mabenta sila sa mas mataas na presyo. Marami kayong mahahanap na mga dekalidad na paninda sa Divisoria o sa tiangge tulad ng mga damit, accessories, at bags. Hindi rin kayo mahihirapan maghanap ng customer kapag nagbenta kayo sa malalaking online marketplace tulad ng Shopee o Lazada.

Dropshipping

Isa pang klase ng e-commerce na pumapatok ngayong taon ay ang dropshipping. Sa dropshipping, hindi niyo kailangang bumili at mag-stock ng mga produkto tulad ng sa buy-and-sell business. Sa halip ay ililipat mo ang orders ng customers diretso sa supplier ng iyong mga produkto. Kumbaga, ikaw ay kikita sa pagiging middleman ng mga customers at ng wholesaler.  

Magandang subukan ang dropshipping dahil sa mababang kapital na kailangan (hindi kailangang gumastos ng malaki sa pagbili ng paninda) at flexibility ng trabaho. Tulad ng buy-and-sell, madami rin ang mga klase ng produkto ang pwede ninyong ibenta gamit ang dropshipping, depende sa kung ano ang hanap ng inyong mga customer.

You may also want to read: How to Register Your Online Business in the Philippines

Bills Payment Business / Palawan Express Pera Padala Authorized Agent

Kung mayroon na kayong ibang small business tulad ng sari-sari store o internet shop, pwede niyo pang palakihin ang inyong kita sa pagtatayo ng isang digital payment business kung saan pwedeng gawin ang bills payment, money remittance, e-loading, at mobile wallet cash-in. Pwede kayong makipag-partner sa Palawan Express Pera Padala o sa GCash para maging authorized agent ng kanilang mga services. Hindi lang madadagdagan ang kita mo, darami rin ang mga suki na bibisita sa iyong business kapag pinatungan mo ito ng isang digital payment center.

Diet / Healthy Food Delivery Program

Niche man ang turing sa kanya noon, patok ngayon sa mga siyudad ang business na healthy food delivery program. Sa business na ito ay kayo ang magpaplano, magluluto, at magdedeliver ng planned meals para sa inyong client sa buong araw o buong linggo. Lalo na ngayong taon na dumarami ang mga taong concerned sa kanilang kalusugan pero walang oras o kapasidad na mag-prepare ng masusustansyang pagkain, in-demand ang mga ganitong diet o healthy food delivery program.

Print On Demand

Mapa-T-shirt printing man o tarpaulin printing, malaki ang demand ng printing services anumang panahon. Pagdating ng peak seasons tulad ng eleksyon o mga holidays, madalas ay dumaragsa ang maraming mga bulk orders, kaya hindi mahirap kumita ng malaki sa isang print on demand na business.

Malaki ang potential na lumago ang services ng isang printing business dahil madaling pasukin ang iba pang mga produkto kapag nasimulan na, tulad ng mga invitations, flyers, mug, at banners. Dagdagan mo pa ng graphic design at layout service, at meron ka nang malakas at mabentang business. 

Personal Concierge and Errand Services

Para sa mga business o mga clients na maraming ginagawa, hinahanap ngayon ang mga errand person na pwedeng sumalo ng iba’t-ibang gawain, tulad ng grocery shopping, bills payment, o kaya product delivery. Sa panahon ng quarantine, isa ito sa mga in-demand na trabaho na kailangan ng mga ayaw o hindi kayang lumabas ng kanilang mga bahay. Bilang isang personal service, hindi rin kailangan ng malaking puhunan para pumasok sa concierge o errand business. Kailangan lang ng simpleng motor o kotse at pwede mo nang simulan ang bago mong business.

Anong business ang gusto mong subukan ngayong 2020? Ano pang mga business ang patok at kayang-kayang pasukin? I-share at i-comment mo na!