Na-consider niyo na bang subukan ang online, home-based jobs? Dahil patuloy na nagiging digital ang mundo, pumapatok ngayon ang mga trabaho na 100% nang ginagawa online at kayang gawin mula sa bahay. Walang commute, walang traffic, at kumikita ka pa ng malaking pera. Ano pang hihingin mo?
Maraming mga home-based jobs ang kaya mong subukan ngayon. Kailangan mo lang ng computer, internet connection, at isang workplace sa iyong bahay at pwede ka nang magsimula maghanap ng iyong susunod na trabaho. Iba-iba ang mga home-based jobs na mayroon, depende sa tipo ng trabaho na ginagawa (administrative aid, marketing, content creation, etc.) o sa tipo ng employment (full-time, part-time, project-based).
You may want to read: How To Earn from Lyka App Philippines
Heto ang 9 sa aming recommended online, home-based jobs, from virtual assistant to telemarketer. Mababasa rin ang ilan sa mga websites na pwedeng makatulong sa inyo para makahanap ng online, home-based jobs.
- Virtual Assistant (VA)
Description: Ang virtual assistant, o VA, ay hina-hire upang tumulong sa iba’t-ibang administrative tasks ng isang kumpanya o business. Nakadepende sa timeline ng kumpanya kung ano ang iaatas na gawain sa VA, from data entry, email management, to making presentations. Kumbaga, ang VA ay isang all-around administrative aide.
Typical responsibilities:
- Data entry and organizing company databases
- Managing social media accounts
- Setting up appointments and meetings
- Managing email accounts
- Online research and data gathering
- Other back-office and administrative tasks
Required skills:
- Organizational skills
- Fluent English communication skills, written and verbal
- Fast typing skills
- Project management
- Mastery of social media and email management
Average salary: P10,000/month to P75,000/month
- Online Tutor
Description: Siguro isa sa pinakasikat na online, home-based job ay ang pagtu-tutor sa mga foreign students. Madalas ay English as Second Language (ESL) ang tinuturo sa mga students galing sa China, Korea, o Japan. Kung ikaw ay fluent sa English, may mabilis na internet, at marunong magturo sa mga foreign students, pwede mong subukan ang pagiging online ESL tutor.
Typical responsibilities:
- Conducting one-on-one online lessons through video call (e.g. Skype, etc.)
- Drafting lesson plans and ESL worksheets
- Evaluating student performance and offering constructive feedback
Required skills:
- Mastery of the English language
- Organizational skills
- Experience in teaching, especially ESL lessons
- Interpersonal skills and personability
Average salary: P15,000/month to P50,000/month / P200/hour to P600+/hour
- Online Community Manager/ Social Media Specialist
Description: Maraming mga kumpanya at businesses ang naghahanap ng mga social media marketing specialists para ma-maximize ang potential ng kanilang mga social media pages. Napapaloob sa trabaho ng isang social media specialist ang pagpaplano, pagsasagawa, at pagmomonitor ng social media strategy para makamit ng kumpanya ang goals nito, tulad ng increase in brand awareness and sales.
Typical responsibilities:
- Implementing and monitoring the company’s social media strategies
- Managing social media and email accounts
- Creating and managing social media content
- Measuring the success of social media campaigns through analytics
Required skills:
- Mastery of social media and email management
- Social media-focused content creation
- Project management
- Online community moderation
- Proficiency in social media management tools (e.g. Google Analytics, CoSchedule, HootSuite, etc.)
Average salary: P15,000/month to P40,000/month
- Telemarketer
Description: Ang telemarketer ay parang pinagsamang sales representative at call center agent. Hina-hire sila ng mga kumpanya para makahanap at makahikayat ng mga customer, magpromote ng isang brand, o magbenta ng mga produkto. Depende sa kumpanya, pwedeng umabot mahigit P100,000 kada buwan ang sweldo ng isang telemarketer. Mataas rin ang kumisyon at mga bonuses sa kada benta ng produkto.
Typical responsibilities:
- Obtaining ang updating contact details of prospective leads
- Cold calling leads to sell products, set appointments, close sales, etc.
- Persuasively encouraging customers to purchase the client’s products/services
Required skills:
- Fluent English communication skills
- Organizational skills
- Lead generation
- Sales and marketing
Average salary: P12,000/month to P100,000/month
- Online Transcriptionist
Description: Iba’t-ibang field ang nangangailangan ng isang transcriptionist para sa kanilang trabaho, tulad ng mga kumpanya, sa akademya, sa mga hospital, pati na rin sa abogasya. Hindi kailangan ng experience sa field na papasukan upang maging online transcriptionist, basta’t mataas ang iyong typing skills at bihasa sa wikang tina-transcribe.
Typical responsibilities:
- Listening to recorded audio files and transcribing them into written form
Required skills:
- Fast typing skills
- Proficiency in English or the language to be transcribed
- Proficiency in Microsoft Office and other typing software
Average salary: P12,000/month to P30,000/month
- SEO Manager
Description: Dahil dumarami ang mga blogs at websites ngayon, sumisikat rin ang mga SEO manager bilang online, home-based jobs para sa mga Filipino. Madaming mga business dito at abroad ang gustong ipataas ang kanilang search rankings para maboost ang kanilang brand name. Mataas rin ang sweldo ng isang SEO manager, lalo na ang may mga additional skills tulad ng PPC marketing.
Typical responsibilities:
- Optimizing website content and landing pages
- Implementing link-building campaigns
- Conducting keyword research
- Collecting and analyzing data on website ranking, traffic, etc.
Required skills:
- Experience in SEO and website management
- Proficiency in web analytics tools (e.g. Google Analytics, WebTrends) and other relevant tools
- Proficiency in HTML/CSS
- Organizational skills
- Sales and marketing
Average salary: P15,000/month to P75,000/month
- Online Translator
Description: Kung mayroon kang fluency sa isang wika tulad ng Spanish, Chinese, Japanese, at iba pa, pwede mo itong gamitin para kumita sa pagiging isang online translator. Lalo na sa mga international clients, kailangan nila ng remote workers na kayang makapag-translate ng kanilang content sa iba’t-ibang wika. Maaring ipa-translate ang tulad ng articles, emails, o buong websites, at pwede ring may kasamang transcription para sa videos at audio files.
Typical responsibilities:
- Translating different media from one language to the one or more targeted languages
Required skills:
- Proficiency in English and the target foreign language
- Proficiency in Microsoft Office and other typing software
Average salary: P15,000/month to P95,000/month
- Freelance content creator
Description: Bawat website, blog, at iba pang content-based media platform ay naghahanap ng mga content creators para sa kani-kanilang niches. Kung ano man ang iyong napiling medium, tulad ng writing, graphic design, o video editing, hindi ka mahihirapan maghanap ng platform para magamit ito at gawing puhunan.
Typical responsibilities:
- Drafting creating content for your client’s niche
- Planning out a content schedule for the website or online magazine
Required skills:
- Mastery of the chosen medium for content creation
- For writers, proficiency in English or the language to be written
- For writers, experience with SEO
- For writers, proofreading skills
- For graphic designers and videographers, proficiency in relevant software (e.g. Adobe Premiere Pro, Adobe Photoshop)
- Interpersonal skills
Average salary: P10,000/month to P65,000/month
- Technical support representative
Description: Kung mayroon ka nang experience bilang isang call center agent, ang pagiging technical support representative ang pwede mong gawing avenue sa isang online, home-based job. Isa ito sa pinakapatok na trabaho para sa mga Filipinong gusto ng maginoong trabaho sa isang work-from-home setting. Madaming mga kumpanya lokal at abroad ang naghi-hire ng mga Filipino bilang technical support representative ng kanilang business.
Typical responsibilities:
- Answering incoming phone calls from customers all over the world
- Listening to customer issues and providing support and solutions
Required skills:
- Fluency in English communication skills, written or verbal
- Customer service via phone support, email, support, live chat, etc.
- Phone etiquette and email management skills
- Interpersonal skills
Average salary: P12,000/month to P55,000/month
Saan pwedeng makahanap ng online, home-based jobs?
Ngayon na napag-isipan niyo nang subukan ang home-based jobs, siguro’y tinatanong niyo na kung saan pwede makahanap ng home-based na trabaho. Heto ang ilan sa mga subok nang lugar kung saan makakahanap ng legitimate na online, home-based jobs.
Online home-based job marketplaces
Depende sa tipo ng trabaho na balak ninyong pasukan, may iba’t-ibang job portals at marketplaces na pwede ninyong i-browse. Maraming mga job opportunities ang nakalista galing sa mga businesses na naghahanap ng remote workers. Karamihan sa kanila ay mayroong mga safeguarding guidelines na sinisiguradong legitimate ang trabaho, para sa iyo at sa kliyente.
For General Remote Work
Local
International
For Home-based Virtual Assistants
For home-based ESL online tutors
For home-based writers
For home-based graphic designers
Tools
Online groups and communities
Kung hindi sa mga online job marketplaces, mayroon din mga online communities katulad ng Facebook groups kung saan ang ilang businesses, tulad ng mga start-up companies, ay nagpopost ng ads para sa kanilang mga kailangang remote workers. Pwede rin mag-post ang mga workers ng kanilang mga qualifications sa online communities.
Marami ang mga legitimate na job postings sa online groups, pero marami rin ang mga potential scams. Hindi tulad ng online job marketplaces, madalas ay walang safeguards o protocols para maprotektahan ang mga remote workers kontra scam sa online communities. Laging siguraduhin at suriing maigi kung tatanggap ng trabaho galing sa online communities.
Referrals
Referral galing sa inyong mga kapamilya, kaibigan, o co-worker ay isa ring magandang mapagkukunan para makahanap ng online, home-based job. Lalo na kung galing sa nagtatrabaho din o sa garantisadong client talaga ng iyong kapamilya, makasisigurado kang legitimate ang papasukan mong trabaho.
Kung ikaw ay nagdadalawang-isip pa kung susubukan mo ba ang online, home-based jobs, wala kang dapat ikatakot o ikapangamba. Basta’t alam mo yung target job at qualifications mo at kung saan dapat maghanap, madali kang makakahanap ng work-from-home setting na swak para sa iyo.